Noong sinasakop ng pandemya ang sangkatauhan,
O social media, ika’y naging malapit kong kaibigan
Sa una, inakalang hatid mo saakin ay kaligayahan
Subalit, taglay mo din pala ay sari-saring kaguluhan
Pekeng balita dito, walang saysay na mga balita doon
Nagkalat mga kuwentong nakakasira ng reputasyon
Bakit ka kase nagpagamit sa mga taong hindi totoo?
Pati tuloy mga relasyon, nagkagulo-gulo dahil sa mga ito
Nakapaskil din saiyo ang mga mapagkunwaring mukha
Na walang ibang ginawa kundi manlamang ng kapwa
Marami na ang nagagalit ng husto at nagsusumbat sa’yo
Kaya paano mo ba natitiis ang mga taong nagbabalat-kayo?
O sintang social media, batid kong hindi ito ang iyong nais
Naiintindihan ko at alam kong marami din ang naiinis
Huwag kang mabahala, ako’y kikilos at a-aksiyon
Ang gamitin ka sa tama ang magiging kong misyon
HONORABLE MENTION – POETRY MAKING A DIFFERENCE IN THE DIGITAL WORLD
BINIBINING HIRAYA
16 years old
Female