Kwento
June 23, 2021

Buhay ay di masuri
Minsan nasa timog
May panahong nasa kanluran
Sa kalabang di natin makita
Na minsang kumitil nang buhay
Kwadradong ilaw ang ating kasangga
Ikaw may kwento kaba?

Sa bawat pindot
Sa bawat komento
Sa bawat reak
May kwento kaba?
Mag ke-kwento kaba?
May mga nagbago
May nanatili
May mga taong lumisan
Nagbago ang buhay, sarili,
Ang pamumuhay
May kwento kaba?

Sa pagitan nang pagkwento sa medya
May nabago ba?
Kailangan mo lang maniwala
Sa sarili mo na ika’y sapat
Ika’y isang inspirasyon
Iyong isawalat
Kung pano ka nabago nang mga kwento
Nakagisnan mo
Ikaw ay isang inspirasyon
Para sa mga bagong usbong
Sa mga kapwa mo
Kailangan mong mag kwento
MyDay kumbaga
Mag kwento ka

Maging isa ka sa mga kwentong mailathala
Magbago nang mga isip nang mga mambabasa
Bumangon ka at wag lang mag-reak
Mag-kwento ka
Tara usap tayo!

HONORABLE MENTION – POETRY MAKING A DIFFERENCE IN THE DIGITAL WORLD
MARK ERICK
17 years old
Male

Share This